Libreng Programa Para sa Lahat


Ang LPPL o Libreng Programa Para sa Lahat ay isa sa mga programa ng PHILCOMSCI na may layuning pasiglahin ang wastong paggamit ng kompyuter sa ating komunidad sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga libreng business application software sa mga establismyento, paaralan at iba pang institusyon.

Batay sa pag-aaral na aming isinagawa sa mga establismyento sa ilang bayan ng Bulacan ay natuklasan namin na 90 porsyento ng mga ito ay hindi gumagamit ng kompyuter sa data processing ng kanilang kumpanya, ang ilan naman na may kompyuter ay sa word processing lamang ginagamit, sayang naman kung hindi magagamit ng wasto ang mga kompyuter na ito para makatulong sa mabilis na proseso ng mga datos ng kumpanya.

Marami din sa mga business owner o manager ay hindi pa mulat sa benepisyo na naibibigay ng kompyuterisasyon.

Ang PHILCOMSCI bilang isang institusyon ng kompyuter ay nais na turuan o imulat ang komunidad ng mga negosyante sa mga benepisyo na naibibigay ng kompyuterisasyon, naniniwala kami na ang pagtangkilik dito ng mga negosyante ay mag bubukas ng trabaho para sa mga gradweyt ng mga kurso sa kompyuter.

Isa sa pamamaraan namin upang tangkilikin ang ideya ng kompyuterisasyon ay ang pagdebelop ng mga business software at pamamahagi ng mga ito ng libre sa mga establismyento.

Sa kasalukuyan ang pamamahagi at pagtuturo sa paggamit ng mga business software na ito ay isinasagawa ng mga mag-aaral ng PHILCOMSCI. Naniniwala kami na kapag tinangkilik ng komunidad ang ideya ng kompyuterisasyon ay magbubukas ito ng trabaho para sa mga gradweyt ng kurso sa kompyuter.


Tayo ng pasiglahin ang pagtangkilik sa ideya ng kompyuterisasyon!

Mga Libreng Programa na aming ipinamamahagi:

  • Accounting System for Multi-Purpose Cooperative
  • Payroll System for Garments
  • School Registration System
  • Standard Public High School Grading System
  • Library System
  • Sales-Inventory System
  • Pawnshop System

Ang pagdebelop namin ng mga business application software ay patuloy at inaanyayahan namin ang sino mang interesado na magbahagi ng kanyang produkto at tumulong sa pagpapasigla ng kompyuterisasyon na makipag-ugnayan sa amin.

Para sa inyong puna o mungkahi ay mag-email sa philcomsci2k2@yahoo.com